Anjo Yllana, tatakbong kongresista sa Camarines Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Anjo Yllana, tatakbong kongresista sa Camarines Sur

Anjo Yllana, tatakbong kongresista sa Camarines Sur

Aireen Perol,

ABS-CBN News

Clipboard

Tatakbong kongresista si Anjo Yllana sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur. Gelo Abugao
Tatakbong kongresista si Anjo Yllana sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur. Gelo Abugao

Naghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-kongresista ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur ang komedyante na si Andres Jose “Anjo” Garchitorena Yllana, Jr., ngayong Lunes.

Ang pagtakbo ni Yllana, na sinasabing ang pamilya ay tubong Tinambac, Camarines Sur, ay inendorso ng PDP-Laban at suportado ng pamilya Villafuerte.

Naging konsehal din si Yllana sa Paranaque City taong 1998 hanggang 2004 at nagsilbi din bilang bise alkalde ng parehong siyudad mula 2004 hanggang 2007. Taong 2013 hanggang 2019 naman ay nagsilbi siya bilang konsehal sa Quezon City.

Si Yllana ang ikatlong artista na tatakbo bilang kongresista ng partido para talunin ang mga Fuentebella na nakaugat na sa nasabing distrito.

ADVERTISEMENT

Una nang tumakbo dito si Aga Muhlach subalit natalo siya ni Wimpy Fuentebella noong 2013 elections. Sumunod naman ang jukebox queen na si Imelda Papin na natalo din ng yumaong Noli Fuentebella noong 2016 elections.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.