Daryl Ong, handang tulungan ang mga baguhang singer | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daryl Ong, handang tulungan ang mga baguhang singer

ABS-CBN News
Published Oct 03, 2019 04:26 PM PHT
|
Updated Oct 03, 2019 04:46 PM PHT

MAYNILA -- Kasabay ng kanyang aktibong karera bilang isang singer, abala rin ngayon si Daryl Ong bilang isang music producer.

Kuwento ng singer, mas gusto niya ngayon na tutukan ang pagiging producer para makapagbigay ng break sa mga bagitong mang-aawit.

"Very fulfilling na nakakarinig ka ng original song sa radyo na hindi ikaw ang kumanta pero ikaw ang nag-produce and you contributed para mabuo ang kanta," ani Daryl sa panayam.

"Next year, mas gusto ko pang lumawak 'yung Daryl not only as a singer but also a producer and a songwriter."
"Next year, mas gusto ko pang lumawak 'yung Daryl not only as a singer but also a producer and a songwriter."
ADVERTISEMENT
Baguhan man, handa rin harapin ng singer ang magiging hamon ng isang producer.

"Challenging sa time and effort, pero kung gusto mo talaga ang ginagawa mo, I guess mag-e-enjoy ka," aniya.

Ayon pa kay Daryl, bitbit niya sa kanyang plano ang sariling karanasan sa buhay bilang isang produkto ng isang singing competition kung saan siya nagsimulang gumawa ng pangalan.

"Nakita ko rin ang sense of responsibility na baka kailangan ko rin tumulong sa iba na wala silang means na makapag-produce ng sarili nilang kanta. Maganda naman ang kanta nila, pero wala naman silang pera para ma-produce 'yung gawa nila," pahayag pa niya.

Sa ngayon, bahagi si Daryl ng Las Islas Musik Festival na magsisimula ngayong Oktubre 25 na iikot sa Bacolod, Iloilo at Aklan.