Sarah G, Morissette, babandera sa magkahiwalay na int'l music fest | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sarah G, Morissette, babandera sa magkahiwalay na int'l music fest

ABS-CBN News
Published Oct 03, 2018 08:43 PM PHT
|
Updated Oct 03, 2018 09:07 PM PHT

Ibabandera nina Sarah Geronimo at Morissette Amon ang Pilipinas sa dalawang magkasunod na music festival ngayong linggo.

Nasa Japan na si Geronimo para irepresenta ang Pilipinas sa Association of Southeast Nations (ASEAN)-Japan Music Festival sa Oktubre 4.

“Let's all enjoy the show as I'll be with other ASEAN artists,” aniya.

Nasa Busan, South Korea naman si Amon para sa Asia Song Festival gabi ng Miyerkoles.
Nasa Busan, South Korea naman si Amon para sa Asia Song Festival gabi ng Miyerkoles.
ADVERTISEMENT
Sa pangalawang pagkakataon, magtatanghal si Amon sa festival, at siya raw ang natatanging non-Korean sa nasabing concert.

"I'm so honored kasi sa lahat ng line up ng artists this year, ako lang po 'yung hindi Korean," aniya.

Nag-trending ang cover ni Amon ng “Emotions” at “Secret Love Song” sa nasabing festival noong 2017.

Samantala, pinili naman ang Chito Roño film na "Signal Rock" bilang official entry ng Pilipinas sa Foreign Language Film Category ng 91st Oscars na gaganapin sa 2019.

Nasorpresa ang aktor na si Christian Bables sa pagkapili ng pelikula, na kamakaila'y nasungkit ang Critic's Choice award sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

"Ako ginawa ko lang 'yung Signal Rock buong puso dahil maganda 'yung materyal. Once in a lifetime opportunity 'yan so grab grab lang," ani Bables, na nasungkit ang Special Jury Prize for Acting Award sa PPP.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
MJ Felipe
music fest
Sarah Geronimo
Christian Bables
Chito Rono
Signal Rock
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT