Carlo Aquino, inaming siya sana ang gaganap na Ali sa ‘Squid Game | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Carlo Aquino, inaming siya sana ang gaganap na Ali sa ‘Squid Game

ABS-CBN News
Published Sep 29, 2021 04:47 PM PHT

Matapos ibahagi sa social media na kasali sana siya sa cast ng hit Korean thriller na “Squid Game,” ikinuwento ng aktor na si Carlo Aquino na siya dapat ang gaganap na Ali sa nasabing Netflix series.

Sa panayam ng “Inside News” ng Star Magic kay Aquino, inamin ng aktor na labis ang kaniyang panghihinayang na hindi natuloy sa paglipad papuntang Korea para sa serye.

“Hinayang na hinayang talaga ako. Siyempre trending 'yung 'Squid Game.' At saka ang galing na makagawa ka ng istorya na nasa isang malaking-malaking warehouse lang 'yung shoot pero sobrang engaging nung series,” pag-amin ni Aquino.

Inihayag din niya na ang karakter ni Anupam Tripathi na si Abdul Ali ang naibigay sa kaniya. Si Ali ay isang foreign worker mula Pakistan na sumali sa laro upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Ayon sa beteranong aktor, naibigay na sa kaniya ang schedule ng shooting sa Korea kung saan 37 days umano ang igugugol niya para sa karakter.

“Yung script dinelete ko na. 'Yung parts kasi ni Ali 'yung sinend sakin. Kasi nga masama loob ko, pandemic, ganyan. Bwisit na 'to, di natuloy,” saad ni Aquino.

Hindi pa alam ni Aquino noong una na ang “Squid Game” pala ang serye na dapat sasalihan niya.

Habang pinapanood umano niya ang serye, tila naging pamilyar sa kaniya ang mga linya na binitawan ni Ali. Napagtanto nito na ito pala ang palabas na kasama sana siya.

Nakita umano ng direktor ng serye na si Hwang Dong Hyuk si Aquino sa pelikula nitong “Isa Pa With Feelings” kasama si Maine Mendoza.

Hindi aniya siya natuloy dahil mahigpit noon ang gobyerno ng Korea dahil sa pandemya at hindi nagpapapasok ng mga foreigner.

“Kaya 'di siguro ako natuloy kasi nagkaroon ng lockdown sa Korea at ayaw nila magpapasok. 'Yung mga available artists na nandon sa Korea 'yung pinili nila,” ani Aquino.

Hirit pa ng aktor, nag-aaral din siya ng Korean language matapos mapanood ang unang mga episode ng “Squid Game” upang tingnan kung kaya rin niya makipagsabayan sa kanilang natuloy siya.