Mike Hanopol nagpakitang gilas sa UKG

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 09:50 AM

MANILA - Pinatunayan muli ng legandary Pinoy rock icon na si Mike Hanapol ang pag-ibig sa musika sa pagpapakitang gilas niya sa "Umagang Kay Ganda."

Muling inawit ni Mike ang pinasikat niyang "Laki Sa Layaw (Jeproks)."

Isa si Mike sa bibida sa "Full Blast Pinoy Super Bands" concert na magaganap sa October 20 sa Cuneta Astrodome.

Makakasama ni Mike sa nasabing event ang ilan sa mga bigating rock icons tulad nina Maria Cafra, Lolita Carbon, Basti Artadi at Dong Abaya. 

Si Mike ay kilala bilang miyembro ng Pinoy rock band na Juan dela Cruz.