Erik Santos, malaki ang pasasalamat sa ABS-CBN | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Erik Santos, malaki ang pasasalamat sa ABS-CBN

Erik Santos, malaki ang pasasalamat sa ABS-CBN

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Malaki ang pasasalamat ni Erik Santos sa ABS-CBN na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood sa kabila ng mga pagsubok na hinarap nito nang hindi ito binigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso sa gitna ng krisis dala ng COVID-19.

Nitong Lunes, Setyembre 28, sa muling pagbabalik ng "Magandang Buhay" sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWantTFC, ay iginiit ni Erik ang pasasalamat sa ABS-CBN sa pagkakataon na mabigyan pa rin siya at iba pang personalidad ng trabaho.

"Totoo 'yan. Sobra akong grateful sa ABS-CBN, sa Kapamilya, sa 'ASAP' sa TNT (Tawag ng Tanghalan). Kasi amidst the closure of the network ay nabibigyan pa rin nila kami ng pagkakataon na makapag-work at makapagbigay ng aliw sa kahit na anong paraan naming magagawa sa ating mga kababayan na nanonood pa rin sa atin," ani Erik

Maliban sa paglabas sa "ASAP," babalik na rin si Erik sa Tawag ng Tanghalan sa "It's Showtime."

ADVERTISEMENT

Ayon kay Erik ang muling pagbabalik sa trabaho ay nakatulong sa kanya para mabawasan ang labis na pag-aalala na dulot naman ng pandemya.

"Actually ito ang first na labas ko except sa cycle namin sa 'ASAP.' Tomorrow (September 29) magti-TNT ako. First time ko ito na mag-guest na hindi 'ASAP.' Kaya ngayon medyo nalalabanan ko na 'yung anxiety at takot," ani Erik.

Pag-amin ni Erik, isang hamon sa kanya ang quarantine dala ng pandemya.

"Kasi hindi ba kapag nasa industriya tayo, itong showbiz industry, kahit nagwo-work ka parang 'di ka nagwo-work kasi masaya. Kahit anong pagod mo, kahit anong hirap ipinapagawa sa iyo, nae-enjoy mo siya kasi ang saya lang, tapos biglang mawawala sa iyo. So nararamdaman ko 'yung anxiety, yung worries, may fears akong nararamdaman. Ang dami daming negative thoughts and emotions akong na experience talaga and until now. Minsan may mga pagkakataon naiisip ko kailan ba talaga matatapos ito. Nami-miss ko na ang mga kaibigan ko. Nami-miss ko na ang kumanta with live audience, ang dami kong nami-miss," kuwento ni Erik.

Pero sa kabila ng pandemya, nagkaroon naman si Erik ng sapat na panahon para sa kanyang pamilya.

"Mas nakilala ko sila, ang nanay ko pala ay talagang masiyahin talaga siya. Sa gitna ng pandemiya na kinakaharap natin ngayon, sa kanya ko nakukuha ang positivity, 'yung kung paano tayo tumingin sa buhay. Kasi minsan ikaw ang mag-aalala sa parents mo kasi matanda na sila, gusto mo mag-enjoy na lang sila. (Pero) sila 'yung nagbibigay ng positive vibe na matatapos din ito, dapat lagi lang tayong masaya, ganun 'yung nanay ko," ani Erik na nagdiwang din sa "Magandang Buhay" ng kanyang paparating na kaarawan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.