Gigi de Lana binalikan ang hirap na pinagdaanan nilang mag-ina noon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gigi de Lana binalikan ang hirap na pinagdaanan nilang mag-ina noon

Gigi de Lana binalikan ang hirap na pinagdaanan nilang mag-ina noon

ABS-CBN News

Clipboard

Screenshot mula sa vlog ni Karen Davila
Screenshot mula sa vlog ni Karen Davila

Sa kabila ng unti-unting paggawa ng pangalan sa mundo ng showbiz, hindi pa rin nakakalimutan ng singer na si Gigi de Lana ang mga paghihirap na dinanas nilang mag-ina bago nakapasok sa industriya.

Sa vlog na inilabas ni Karen Davila, ibinahagi ni De Lana na hindi naging madali ang kanilang pamumuhay mula sa Olongapo noon nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang.

“Mahirap po siya talaga kasi kaming dalawa lang yung nagtutulungan. Tapos para mapag-aral niya 'ko, uutang siya [nanay],” kuwento ng mang-aawit.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit marami siyang sinalihang singing contest upang makadagdag kahit papaano sa gastusin nilang mag-nanay.

ADVERTISEMENT

Ngunit sa kabila nito, umabot pa rin umano sila sa punto na kanin at toyo na lamang ang kinakain nila. Bukod pa ito sa madalas nilang hindi pagkakasundo ng kaniyang nanay habang lumalaki siya.

Makailang ulit lumahok si De Lana sa mga singing contest sa TV kagaya ng “The Voice” at “X Factor”, ngunit hindi ito pinalad na makapasok.

Titigil na umano siya dapat sa pagsali hanggang sa nagbukas ang pinto ng “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” kung saan siya tuluyang nakilala.

Hindi man nanalo sa kompetisyon, naging semi-regular ito sa noontime show na nagbigay sa kaniya ng maayos na pagkakakitaan.

Ngunit hindi pa rin natapos ang dagok sa buhay ng mag-ina dahil nalaman nilang may stage 2 breast cancer ang kaniyang nanay dalawang taon na ang nakararaan.

“Nag-breakdown po ako. Pero 'di ko pinakita sa kaniya kasi siya, down na siya. Sabi niya sakin, ‘nak ipa-opera natin.’ Kaso wala pa 'kong pera,” emosyonal na sambit ng singer.

Inamin ni De Lana na natatakot siyang mawala ang kaniyang ina: “Siya na lang yung meron ako ngayon.”

Kaya naman malaki rin ang pasasalamat nito sa kaniyang mga ka-banda sa “The Gigi Vibes” dahil nabigyan siya ng mga ito ng pamilya.

Kasama nina De Lana ang mga kasamahan sa mismong bahay, habang nasa tapat naman ng kanilang tinitirhan ang studio na ginagamit nila na dating garahe lamang.

Kamakailan ay gumawa ng ingay si De Lana nang mag-viral ang kaniyang "Bakit Nga Ba Mahal Kita?" challenge video.

Mula rito ay naging sunod-sunod ang kaniyang proyekto, kabilang na ang pagiging regular sa Sunday variety show na “ASAP Natin ‘To.”

"I am really, really grateful right now, kasi ang dami rin naming hard work at sacrifice. Ang dami naming inayos. Lahat kami may sacrifices na ibinigay pero lahat ng sacrifices na 'yon, it's all worth it," ani de Lana sa "Inside News" ng Star Magic.

Nakatakda ang digital concert ni De Lana at banda nito sa Disyembre.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.