Gigi de Lana, hindi nakapasa dati sa 'X Factor,' 'Voice PH' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gigi de Lana, hindi nakapasa dati sa 'X Factor,' 'Voice PH'

Gigi de Lana, hindi nakapasa dati sa 'X Factor,' 'Voice PH'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Inamin ni Gigi de Lana na may pagkakataon noon na naisip na niyang tumigil sa pag-awit.

Sa "Inside News" ng Star Magic, sinabi ni de Lana na problemang personal at pinansiyal ang dahilan kung bakit sumagi sa isip niya na talikuran na ang pagkanta.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Alam niyo 'yon ang daming utang, ang daming problems. We're having a tough time. Ito 'yung time na kaming dalawa ng mommy ko," ani de Lana.

"Ito po 'yung nag-audition ako sa 'X Factor,' sa 'The Voice' pero hindi ako nakapasa. Sabi ko sa sarili ko ayaw ko na kumanta. Parang kahit ibinibigay ko ang best ko parang 'di pa rin 'yon ang best ko," dagdag ng mang-aawit.

ADVERTISEMENT

Kamakailan ay gumawa ng ingay si de Lana nang mag-viral ang kaniyang "Bakit Nga Ba Mahal Kita?" challenge video. Mula rito ay naging sunod-sunod ang proyekto ni de Lana.

Magaganap na ang album launch ng Gigi Vibes band ni de Lana sa Setyembre 24.

"I am really, really grateful right now, kasi ang dami rin naming hard work at sacrifice. Ang dami naming inayos. Lahat kami may sacrifices na ibinigay pero lahat ng sacrifices na 'yon it's all worth it," ani de Lana.

Nakatakda rin ang digital concert ni de Lana at banda nito sa Disyembre.

Ayon kay de Lana, labis ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa sunod-sunod na biyayang natatanggap.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.