'The General's Daughter' posibleng huling serye na ni Angel Locsin | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'The General's Daughter' posibleng huling serye na ni Angel Locsin

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2019 07:16 PM PHT
|
Updated Sep 27, 2019 01:15 AM PHT

May posibilidad na ang "The General's Daughter" na ang huling teleseryeng pagbibidahan ni Angel Locsin, sabi ngayong Huwebes ng aktres.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa finale press conference ng serye, iginiit din ni Locsin na ayaw pa niyang magsalita nang tapos kung hindi na ba siya aarte sa teleserye.

"Baka [ito na ang huli kong teleserye]. Hindi ko pa sure. Depende 'yan sa mga tao, sa management, pag-uusapan din namin ni Neil kung ano ang plano namin," ani Locsin, na binanggit din ang kaniyang nobyong si Neil Arce.

"Baka po talaga, ayoko magsalita nang tapos pero posible," ani Locsin.

ADVERTISEMENT
Inamin din ni Locsin na halos wala siyang stunt double sa ilang matitinding eksena para sa serye, dahilan para siya ay magtamo ng mga pasa.

"Kami naman pong lahat sa 'The General's Daughter,' ginagawa po namin stunts namin. Bihira 'yong may stunt double talaga," ani Locsin.

"May ipapalabas na humampas ako sa truck, tumalon, tapos marami pa na dahilan ng mga kapasaan ko," dagdag niya.

Magtatapos sa Oktubre 4 ang "The General's Daughter."

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT