Dimples Romana, may gustong ending para sa 'Kadenang Ginto'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 02:05 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

MAYNILA -- Ipinagmalaki ni “Kadenang Ginto” actress na si Dimples Romana kung saan napunta ang kanyang pinagpapaguran sa trabaho.

Sa post na ito nagpasalamat si Dimples sa building na naipagawa kapalit ng matagumpay na career sa pag-aartista.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

“I am super super grateful na nakakapagpundar tayo. Alam mo naman sa trabaho natin, nothing is permanent so I just want to make sure my money goes to… ano kikita pa lalo,” aniya.

Bukod sa “Kadenang Ginto,” nagbigay rin ng update si Dimples sa Metro Manila Film Festival movie niya kasama sina Vice Ganda at Anne Curtis.

“Naku, sorpresa pero masaya eh! The role is super fun and exciting at nakakatuwa lang kasi Pasko ito marami mapapasaya ang pelikula,” ani Dimples. 

Nagbahagi pa si Dimples na kung siya ang masusunod, ito ang ending na gusto niya sa “Kadenang Ginto.”

“Ayoko na nga matapos ang ‘Kadenang Ginto.’ Sobrang pagmamahal ko sa character ko at sa mga kasama ko sa ‘Kadena,’” aniya.

“Siyempre at the end of the day there’s peace between enemies... Romina and Daniella will always have fights but in the end they will realize they’re family.” 

Araw-araw napapanood si Dimples sa top-rating afternoon serye na “Kadenang Ginto.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.