Piolo Pascual, excited na sa reunion movie nila ni Claudine Barretto

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 12:25 PM | Updated as of Sep 23 2019 02:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa latest interview kay Piolo Pascual, nag-announce na ang aktor na tuloy na tuloy na ang reunion movie nila ng nagbabalik-pelikula na si Claudine Barretto.

Plantsado na rin ang istorya at script na idi-direk ni Cathy Garcia Molina.

"I'm so excited. Schedule na lang ang hinihintay. We have a beautiful script. I already spoke to direk Cathy [Garcia Molina] and sina Inang [Olivia Lamasan] and I hope and pray we start sometime soon," ani Piolo.

Huling nagsama sina Piolo at Claudine sa box-office hit na "Milan" noong 2004.

"Fifteen years. We've grown so much and the roles that we can tackle are more broad, so I'm excited with the experience that we've gone through individually and we're both excited," dagdag ni Piolo.

At kung may reunion movie si Piolo kay Claudine, hoping din ang aktor na makasama muli si Judy Ann Santos.

"Tagal ko na hinihintay si Juday alam nya naman 'yun. I hope it happens before our hair is old and gray. Sana bago kami maging lolo at lola makagawa kami ng pelikula," aniya.

Happy ang fans ni Piolo dahil sa aktibong muli ang kanilang idolo sa pag-arte at paggawa ng pelikula.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.