Judy Ann, inaming siya ang dahilan sa delay ng reunion project nila ni Piolo

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 07:04 PM

MAYNILA - Hindi isinasara ni Judy Ann Santos ang posibilidad na muling magsama sila ni Piolo Pascual sa isang pelikula.

Sa panayam kay Juday sa Champion Supra Power event nitong Lunes, sinabi niya na naniniwala siya na walang imposible sa planong pagsasama muli nila ni Piolo.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Lagi naman tinatanong 'yan sa bawat press conference. Gaya ng sinabi ko, wala namang imposible. With the right project, it will always happen," tugon ng aktres. "It’s just that, wala akong mapusuan na script."

Ayon pa kay Judy Ann, patuloy ang paglapit ng mga offers para sa kanilang reunion movie ni Piolo na huli niyang nakasama noong 2006 sa pelikulang "Don’t Give Up on Us."

"Hindi nawawalan ng offer, that's for sure and that I can say. It's just that if I see a project na para sa amin ni Piolo, sasabihin ko naman e. It;s just that it’s been too long and we do not want to present a movie na basta na lang, para lang magkaroon ng Juday-Piolo project," saad pa niya.

Paliwanag pa ng aktres siya umano ang tunay na dahilan ng delay sa reunion movie nila. 

"Habang tumatagal, lalong nagiging kritikal kasi mas gusto kong maayos ang takbo ng istorya. It should be well worth the wait, and habang hindi pa kami gumagawa ng project, ibig sabihin wala pa akong nagugustuhan na istorya. Ako actually ang dahilan kasi ako ang namimimili ng project talaga," pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, abala si Judy Ann sa "FPJ's Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.