PatrolPH

TINGNAN: Coco Martin at mga 'Agila,' muling nagkasama

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2022 01:27 PM | Updated as of Sep 21 2022 03:43 PM

MAYNILA -- Muling nagkasama sina Cardo at ang mga "Agila" ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano." 

Ibinahagi ni Coco Martin, na gumanap bilang Cardo, ang muling pagkikita nila ng mga kapwa-aktor na bumubuo ng Task Force Agila sa serye.

Kabilang na rito sina Michael De Mesa, Raymart Santiago, Bassilyo, Smugglaz, Jay Gonzaga, John Medina, Sancho delas Alas, at Marc Solis.

Nagkita ang mga aktor ng "Ang Probinsyano" bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa magaganap na "Pasasalamat Tour" sa Amerika.

Kasama rin nila sa rito si Eric Nicolas bilang host, at Jodi Sta. Maria bilang special guest. 

Ang "FPJ's Ang Probinsyano Pasasalamat Tour USA" ay magaganap sa Oktubre 1 at 2 sa California, at Oktubre 23 sa Hawaii. 

Para sa ibang detalye, bumisita sa website ng My TFC o sa Facebook page ng TFC US.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.