Jerome Ponce, pinapurihan ang nobyang si Mika Reyes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jerome Ponce, pinapurihan ang nobyang si Mika Reyes

ABS-CBN News
Published Sep 20, 2017 12:18 PM PHT

MANILA -- Isang magandang impluwensiya ang turing ni Jerome Ponce sa kanyang volleyball player na nobyang si Mika Reyes.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ni Jerome na hindi niya inaasahan ang pagdating ni Mika sa kanyang buhay na nagbigay sa kanya inspirasyon at naging mabuting impluwensiya.

"Na-meet ko siya sa hindi ko ini-expect na panahon. Hindi ko din ini-expect 'yung nangyayari sa amin na pagbibigay niya ng oras," ani Jerome.

Maliban sa pagbibigay oras sa kanya, kakaiba din ang dating sa aktor ng strong personality ni Mika.
Maliban sa pagbibigay oras sa kanya, kakaiba din ang dating sa aktor ng strong personality ni Mika.
ADVERTISEMENT
"Kapag makikipag-away ang lalaki, kami yung 'o bahala ka diyan, di kita kakausapin, di kita ite-text' ganun ang nasa isip namin. Sa kanya talaga hindi pwede, kailangan eh kausapin ko ito. Hindi naniniwala sa isip ko 'yon na kailangan kausapin ko ito," ani Jerome.

"Ganun din naman ako before pero kapag tumatanda ka na doon mo nare-realize na mas ginagawan mo ng effort, kasi habang tumatagal may natutunan ka sa relasyon," ani Jerome.

Giit ng aktor, masaya siya ngayon sa relasyon nila ni Mika.

"Ang dami kong natutunan sa industriya niya... siya 'yung nagtuturo sa akin," ani Jerome na parte ng "The Good Son" na magsisimula sa September 25, pagkatapos ng "La Luna Sangre."