Netizen, nailigtas ang lolo dahil sa FAST method na natutunan sa '2G2BT' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Netizen, nailigtas ang lolo dahil sa FAST method na natutunan sa '2G2BT'

ABS-CBN News
Published Sep 17, 2022 03:11 PM PHT
|
Updated Sep 17, 2022 08:28 PM PHT

MAYNILA – Malaki ang naging pasasalamat ng netizen na si Camille de Chavez sa ABS-CBN series nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla na “2 Good 2 Be True” (2G2BT).

Sa kaniyang Twitter account, ikinuwento ni De Chavez kung paano niya nailigtas ang kaniyang lolong na-stroke sa pamamagitan ng FAST method na napanood niyang ginawa sa teleserye nitong nakaraan.

“I just want to express my sincere gratitude to the whole team of #2GoodToBeTrue, especially @bernardokath for releasing an episode about stroke awareness. I was able to perform the F.A.S.T. Method last night with my lolo. Found out he had a stroke,” ani De Chavez.

Pinag-usapan sa social media ang isang episode sa “2G2BT” noong Agosto dahil sa paggamit ng karakter ni Bernardo (Ali) ng Function Analysis System Technique (FAST) method para malaman kung na-stroke ba si Lolo Hugo (Ronaldo Valdez).

ADVERTISEMENT
Natuwa ang mga netizen sa tamang proseso at pagbibigay ng edukasyon hinggil sa stroke ng episode.

"This is so trending and super deserve! aside from informing us what is fast method, vevs, @bernardokath ginalingan mo talaga," saad ng isang netizen.

Kagaya ng napanood, isinugod agad ni De Chavez ang kaniyang lolo sa ospital matapos ang FAST method at naagapan agad ang kondisyon nito.

Makalipas ang higit isang linggo, nakarating kina Bernardo at Padilla ang nangyari kaya nagpadala ito ng mga prutas at sulat para sa pagpapagaling ni Lolo Esing.

Nakatanggap din sina De Chavez ng video greeting mula sa KathNiel base sa inilabas nitong larawan sa Twitter.

“Thank you so much to the whole team of @2G2BTabscbn! The fruit basket, get well soon card and video greeting from @bernardokath and @imdanielpadilla made my lolo very happy,” saad nito.

Mapapanood ang advance episodes ng "2 Good 2 Be True" sa Netflix at iWantTFC. Mapapanood rin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40 ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.

Read More:
2G2BT
2 Good 2 Be True
FAST Method
Stroke
Tagalog News
KathNiel
Kathryn Bernardo
Daniel Padilla
Camille de Chavez
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT