Alex Gonzaga hiwalay na sa boyfriend | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alex Gonzaga hiwalay na sa boyfriend

Alex Gonzaga hiwalay na sa boyfriend

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Unang beses magtatambal sa pelikulang "My Rebound Girl" sila Alex Gonzaga at Joseph Marco.

Isang romantic comedy na malapit sa puso ni Alex dahil naranasan niya na ang maging rebound girl sa totoong buhay.

"Masakit maging rebound, parang may butas dito (sa puso) tapos feeling mo ang pangit-pangit mo. Tapos mao-obsess ka doon sa babae na binalikan," ani Alex.

Single si Alex ngayon at aminado na hindi nagtagal ang relasyon ng non-showbiz boyfriend na tumagal lang ng dalawang buwan.

ADVERTISEMENT

"Kapag may kinuha si Lord, may ipapalit at 'yung ipapalit sa akin ay sobrang okay," ani Alex.

Matagal ng tinutukso si Alex at Joseph at muling nabuhay ang tuksahan dahil single sila pareho ngayon.

Si Alex hindi matukoy kung nanligaw nga ba si Joseph sa kanya. Si Joseph naman aminadong mali ang timing sa kanyang panliligaw kay Alex noon.

"Hindi ko nga alam kung nanliligaw 'yan, actually hindi ko talaga alam," ani Alex.

"Nagparamdam talaga ako sa kanya 'yung time na 'yon eh hindi siya ready," ani Joseph.

Ipapalabas ang "My Rebound Girl" sa September 28.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.