Bagong yugto ng 'Huwag Kang Mangamba,' malapit na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong yugto ng 'Huwag Kang Mangamba,' malapit na

Bagong yugto ng 'Huwag Kang Mangamba,' malapit na

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Malapit na magsimula ang bagong kabanata ng "Huwag Kang Mangamba," ang primetime serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Ito ay base sa pinakabagong trailer na inilabas ng Dreamscape Entertainment nitong Lunes sa social media.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa trailer, kita ang pagpasok ng mga bagong karakter sa pangunguna ni Ian Veneracion.

Ipinakita na rin ang iba pang mga bagong bituin ng serye na sina Andi Abaya, Nash Aguas, Vivoree Esclito, Richard Quan, and Andrea del Rosario.

ADVERTISEMENT

Gagampanan ni Veneracion ang karakter ni Elias na mapapalapit kay Mira (Brillantes). Mahihiwalay naman si Mira sa kapatid nitong si Joy (Diaz).

Samantala, simula ngayong Martes ay aasahan ang mas mainit pang mga tagpo, lalo't nalalapit nang malaman nina Mira at Joy kung sino nga ba talaga ang may kasalanan sa pagkamatay ng kanilang ina na si Fatima (Dimples Romana).

Mapapanood ang "Huwag Kang Mangamba" gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa mga manonood sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.