PASILIP: Mga kuwentong bibida sa 'Pista ng Pelikulang Pilipino' 2019 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PASILIP: Mga kuwentong bibida sa 'Pista ng Pelikulang Pilipino' 2019

PASILIP: Mga kuwentong bibida sa 'Pista ng Pelikulang Pilipino' 2019

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 07, 2019 11:12 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Saktong isang linggo na lang ay aarangkada na ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 kung saan sari-saring kuwento ang ihahatid ng 10 pelikulang kalahok sa kompetisyon.

Sa pelikulang "G!" ay susubukang tuparin ng magbabarkada ang bucket list ng karakter ni McCoy de Leon na nagkaroon ng cancer. Nagpaka-daring si De Leon sa isang eksena kasama si Roxanne Barcelo.

Pero kung daring ang pag-uusapan, pareho namang gaganap na prostitute sa "Cuddle Weather" sina Sue Ramirez at RK Bagatsing.

Todo-bigay rin sina Arci Muñoz, JC Santos, at Ina Raymundo sa "Open" na tungkol sa open relationships.

ADVERTISEMENT

"Nakaka-miss gumawa ng pelikula where you are more daring, liberated, and more sensual," sabi ni Raymundo.

Samantala, isang 118-anyos lola na susungkit ng titulong "world's oldest living grandmother" ang kuwento ng "Lola Igna," na gagampanan ni veteran actress Angie Ferro.

Sa "Circa," bibida si Anita Linda bilang isang dating film producer na may hiling sa kaniyang 100th birthday.

Hinagpis naman ng overseas Filipino workers ang tema ng "Pagbalik" ni Gloria Sevilla.

May bagong kahulugan naman sa buhay ng isang contract killer sa "Watch Me Kill" ni Jean Garcia.

Temang millennial naman ang "I'm Ellenya L" nina Maris Racal at Iñigo Pascual, at "LSS" nina Khalil Ramos, Gabbi Garcia, at bandang Ben & Ben.

Inaabangan na rin ang comedy sa "The Panti Sisters."

Next week na mapapanood ang 10 pelikula ng PPP, na nataon sa selebrasyon ng ika-100 taon ng Philippine cinema.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.