Marco Gumabao, bibida sa bagong serye ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Sep 05 2018 04:06 PM

 

A post shared by RSB DRAMA UNIT (@rsbdramaunit) on

MANILA -- Isang taon matapos iwanan ang Star Magic, balik-ABS-CBN teleserye si Marco Gumabao bilang isa sa mga bida ng "Precious Hearts Romances: Los Bastardos."

Ibinahagi ng RSB Drama Unit ang pinakabagong serye sa kanilang social media accounts.

Maliban kay Gumabao, mga bida rin sa nasabing palabas sina Jake Cuenca, Albie Casiño, Josh Colet, Diego Loyzaga at Ronaldo Valdez.

Bibida rin sa serye sina Jane Oineza at Ritz Azul at ang mga beauty queen na sina Kylie Versoza at Maxine Medina.

Parte rin ng programa sina Lito Pimentel, Jeffrey Santos, Pinky Amador at Efren Reyes Jr.

Matatandaang Setyembre nong nakaraang taon ay pumirma si Marco ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Matapos nito ay nagpakita pa rin siya sa mga palabas ng ABS-CBN tulad na lang sa seryeng "Hanggang Ngayon" at gayundin sa mga programa ng ibang istasyon.