Carlo, bukas sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Carlo, bukas sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica

Carlo, bukas sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bukas si Carlo Aquino sa posibilidad na makipagbalikan sa dating nobya na si Angelica Panganiban.

"Hindi ako nagsasarado ng kahit anong pinto, lalo ngayon," sabi ni Aquino sa panayam ng ABS-CBN News noong gabi ng Linggo, kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-33 kaarawan.

"Napansin ko kapag kasama ko siya, mas patient ako, mas inaantay ko 'yong right moment," dagdag ni Aquino.

Sa pagdalo ni Panganiban sa pagdiriwang, naging tampulan sila ni Aquino ng mga panunukso mula sa mga kaibigan na nais umano silang magkabalikan.

Hindi naman nagbigay ng malinaw na sagot si Panganiban lalo at ayaw raw niyang "pangunahan" at "bigyan ng kahulugan ang mga bagay."

ADVERTISEMENT

"Hindi ko alam kong ano 'yong mangyayari. Ayokong pangunahan, ayoko naman din bigyan ng meaning 'yong mga bagay na hindi ko naman alam kung ano, so tinitingnan ko lang din naman," aniya.

Ibinunyag din ni Aquino na mas matagal pa silang magkakasama ni Panganiban sa trabaho dahil papasok siya sa teleseryeng "Playhouse," na pagbibidahan nina Panganiban at Zanjoe Marudo.

Kasalukuyang naghahanda sina Panganiban at Aquino para sa pinagbibidahan nilang pelikulang "Exes Baggage," na ipalalabas simula Setyembre 26.

--Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.