'Wildflower' cast naghandog ng mini concert para sa mga sundalo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Wildflower' cast naghandog ng mini concert para sa mga sundalo

'Wildflower' cast naghandog ng mini concert para sa mga sundalo

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 01, 2017 08:34 AM PHT

Clipboard

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Level up na kasiyahang handog ng ABS-CBN stars, sa pangunguna ng cast ng top-rated na teleseryeng "Wildflower," ang napanood ng mga sundalo at medical staff ng AFP Medical Center na ipinagdiriwang ang kanilang ika-80 na anibersaryo.

Timing ang naging schedule, ayon kay Maja Salvador, dahil wala silang taping Huwebes.

"Kung may time naman sa schedule, why not?" aniya. "Salamat sa ABS-CBN Public Service dahil in-invite ang 'Wildflower' para magbigay-saya sa ating mga sundalo, sa ating mga heroes."

Tumayong host ng event sina Eric Nicolas at Roxanne Barcelo. Present din ang "Wildflower" cast na sina Vin Abrenica, Tirso Cruz III, RK Bagatsing at Joseph Marco na saludo sa mga sundalong naka-bonding nila.

ADVERTISEMENT

Ani Marco: "It's an honor na makasama sa mga ganito and we're so thankful na na-invite kami dito kasi sobra ang trabaho nila at hindi biro ang ginagawa nila."

A post shared by Push (@pushalerts) on

Nag-perform din ang "Tawag ng Tanghalan" champion na si Noven Belleza at muli niyang inawit ang pinasikat niyang Air Supply medley na sinabayan naman ng mga fans.

"Alam naman po natin na sila ang nagtatanggol sa ating bansa, nakikipaglaban, iniiwan ang kanilang mga pamilya, nasa Mindanao sila at nakikipaglaban. Kaya't kahit sa ganitong paraan, mapasaya namin sila," ani Belleza.

Samantala, nagbigay naman si Gerald Anderson ng good vibes na mensahe.

"Hindi naman talaga ako kasama dito pero nang nalaman ko nagpa-invite ako (Miyerkoles) lang. Actually sabi ko, 'Tara na! Let's do it, kahit ano para sa kanila.'"

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Nagpapasalamat ang mga sundalo at bumubuo ng AFP Medical Center sa Kapamilya stars na nagbigay-oras para makasama sila sa mahalagang okasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.