Kathryn at Daniel, ibinahagi ang kanilang dream wedding | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kathryn at Daniel, ibinahagi ang kanilang dream wedding

Kathryn at Daniel, ibinahagi ang kanilang dream wedding

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 29, 2018 11:58 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Pareho ang dream wedding ng magkasintahan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ng dalawa na napag-uusapan na nila ang kasal pero iginiit nilang hindi pa naman ito mangyayari.

Ani Daniel, alam na ng kanyang ina na si Karla Estrada kung anong ideal age para siya ay magpakasal.

"Sinabi ko naman sa kanya, basta not too late and 'yun lang basta not too late sa lahat. Siyempre ayaw naman natin na mapag-iwanan din. Mahirap din kung masyado nang ma-late," ani Daniel.

ADVERTISEMENT

Ngiti naman ang isinagot ni Daniel sa tanong ng host na si Melai Cantiveros kung nasa edad 30 ba ang ideal age para siya magpakasal.

"Napag-uusapan lang naman. Pero hindi naman ibig sabihin na nasa point na pinagpa-planuhan na," ani Daniel.

"Parang shini-share lang 'yung thoughts namin. Kung ano ang gusto namin, 'yun open lang kami sa ganun," paliwanag ni Kathryn.

Nang matanong kung ano ba ang kanilang dream wedding, sagot ni Kathryn: "Ako, beach wedding."

Sinang-ayunan naman ni Daniel ang sinabi ng nobya: "Ako rin gusto ko na rin 'yon."

Dahil napag-uusapan na ang kasal, natanong rin sa dalawa kung napag-uusapan na rin ba nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Pero hirit ni Daniel sa pelikula nila napag-usapan ang pagkakaroon ng baby. Bida sina Daniel at Kathryn sa pelikulang "The Hows of Us" ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.