Ion Perez, aminadong apektado sa mga batikos sa kanya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ion Perez, aminadong apektado sa mga batikos sa kanya

ABS-CBN News
Published Aug 27, 2019 05:03 PM PHT
|
Updated Aug 27, 2019 05:12 PM PHT

MAYNILA -- Sa naganap na Star Magic All Star Games 2019, inamin ni Ion Perez o mas kilala bilang si "Kuya Escort" ng "It's Showtime" na apektado siya sa mga ibinabato na negatibong komento laban sa kanya.

Kasunod ito nang tila pag-deny niya sa tunay na estado ng relasyon niya kay Vice Ganda na napapabalitang malapit sa kanya ngayon.

Ayon kay Ion na baguhan pa lang sa showbiz, hindi niya inakala ang magiging epekto sa social media ng kanyang mga naging pahayag tiungkol sa "It's Showtime" host.

"Ang masasabi ko lang naman, pasensya na kasi kung paano ako, 'yung ugali ko bilang probinsyano, ganun talaga ako e'," tugon ni Ion sa panayam sa kanya.

"Hindi ko naman naisip na ganito pala kasakit 'pag nakakatanggap ka ng masasakit na salita."

Dito, muling tinanong si Ion kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Vice Ganda pero mas pinili niya na hindi na ito sagutin pa.

Ion Perez, muling tinanong sa tunay na estado ng relasyon kay Vice Ganda #ionperez #ViceGanda pic.twitter.com/SeRsHfHOV3
— Kiko Escuadro Jr. (@simplengbinata) August 27, 2019

Pinasalamatan na lang ni Ion ang mga fans ni Vice na nagtatanggol para sa kanya.

"Nagpapasalamat ako kasi talagang chi-ni-cheer-up talaga nila ako sobrang nagpapasalamat ako sa mga Vice-Ion fans," pahayag pa niya.

Bukod sa "It's Showtime", bahagi din si Ion ng "Mang Kepweng" na pagbibidahan ni Vhong Navarro.