Ogie Alcasid, emosyonal sa naging kaarawan sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 03:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi napigilan na maging emosyonal ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa kanyang naging kaarawan sa "ASAP" nitong Linggo.

Dito, bumuhos din ang pagbati para kay Ogie mula sa kanyang mga kasamahan, kaibigan at mga anak na si Leila, Sarah at Nate.

"Kami'y kinupkop ninyo at itinuring ninyo na inyo rin, kaya maraming salamat mga Kapamilya. Mula kay Mr. M [Johnny Manahan] hanggang sa nagbibigay ng kape sa amin, maraming salamat," ani Ogie.

Hiling ni Ogie ang patuloy na lakas ng kanyang katwan para maipagpatuloy ang pagbibigay inspirasyon pa sa iba.

"Maraming salamat Panginoon sa buhay na ipinagkaloob Ninyo po sa akin. Nawa'y ako'y maging patuloy na inspirasyon sa inyong mga anak. I love you, Lord," aniya.

Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng kanyang mensahe ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez.

"Gusto ko lang sabihin na ipinagmamalaki ko ang asawa ko... kasi po talaga pong napaka-bait po niyang tao, hindi lang po sa mga kailangang mabait siya, kundi po sa lahat po ng tao," ani Regine.

"I have never met anyone whose so kind as you, baba. You are the kindest, the most patient person I've ever met and what I love with my husband is, hindi po siya madamot sa kanyang talento. Ito po 'yung lagi kong sinasabi at pinagmamalaki. Dahil po' yung asawa ko gagawan niya ng kanta kahit sino, magbibigay siya ng kanta kahit sino. He's always willing to share his songs to everyone and to everybody," dagdag ni Regine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.