Nikko Natividad ng Hashtags, nabiktima sa investment scam | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nikko Natividad ng Hashtags, nabiktima sa investment scam

ABS-CBN News
Published Aug 24, 2020 12:12 PM PHT
|
Updated Aug 25, 2020 08:40 PM PHT

MAYNILA -- Inamin ng isa sa miyembro ng grupong Hashtag na si Nikko Natividad na isa siya sa nabiktima ng investment scam.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Nikko ang eksklusibong ulat ng "TV Patrol" noong Agosto 14 tungkol sa isang babaeng inaresto ng NBI dahil sa investment scam.

Sa caption, inamin ni Nikko na biktima siya nang inereklamong babae na kinilalang si Shagoptha "Sha" Punzalan.

Ani ni Nikko, P4 na milyon na bunga ng pag-iipon at hirap sa pagtatrabaho ang nakuha sa kanya.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Nikko, kahit na alam niyang maraming magagalit sa mga tulad niyang biktima ay pinili niyang magsalita para makatulong at hindi na maulit ang panloloko sa iba.

"Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag-invest at na-scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao sa amin kesa sa nag-scam na kesyo bakit kasi kami naghahangad ng malaking pera. (Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namin.) Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala nang maloko pa kagaya ng ganito. Napakasakit sa 'kin at sa aming mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isang iglap lang," ani Nikko.

Pag-amin ni Nikko, dumanas siya ng depresyon dahil sa nangyari. Aniya, hindi na niya inaasahan na mababawi kanyang pera. Hiling lang niya ngayon ay makakuha ng hustisya.

"Sobra sobrang depression binigay nito sa 'kin.Nawala ang 4 million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala. Hindi na 'ko umaasa na mabawi pa 'yung pera na nakuha n'ya sa amin dahil alam ko na wala 'yung pera. Hustisya na bahala sa 'yo," ani Nikko.

Dagdag ni Nikko, kahit nawalan sila ng pera ay hindi naman nawala ang kanilang pangarap at inspirasyon na magapatuloy sa buhay.

"Masakit dahil walang-wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko. Hindi namin kasalanan na nagtiwala. Kasalanan n'ya na niloko n'ya ang mga tao na nagtiwala sakanya," ani Nikko.

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Punzalan at ang kaniya umanong kasabwat sa isang entrapment operation sa Malate, matapos makapanloko at makatangay ng P10 milyon mula sa mga biktima sa isang investment scam.

Itinanggi naman ni Punzalan ang mga paratang.

Ayon sa NBI, mahigit P10 milyon ang nakuha ni Punzalan mula sa 10 biktima. Bukod sa lending business, nagpapakilala rin daw siyang may mga kasosyo sa online gaming.

Kulong si Punzalan sa kasong estafa.
Kulong si Punzalan sa kasong estafa.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT