Jerome Ponce at Teejay Marquez, bibida sa isang 'BL' series

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2020 07:11 PM

MAYNILA -- Bibida si Jerome Ponce sa isang boys love (BL) series kasama ang aktor na si Teejay Marquez.

Sa Facebook ni Teejay nitong Sabado, kinumpirma niya ang proyekto sa pamamagitan nang pag-post ng isang shared link.

 

Ayon sa post, Regal Entertainment Inc. ang producer ng serye na ididirehe naman ni Easy Ferrer.

Sinasabing nakatakdang magsimula ang serye na may pamagat na "#BenXJim" sa Setyembre.

Sa kasalukuyan ay parte si Jerome ng seryeng "A Soldier's Heart."