Pagganap bilang Emilio Aguinaldo, binago ang buhay ni Mon Confiado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagganap bilang Emilio Aguinaldo, binago ang buhay ni Mon Confiado

Reyma Deveza,
ABS-CBN News
Published Aug 24, 2018 11:39 AM PHT

MANILA -- Aminado si Mon Confiado na may pagbabagong naidulot sa kanyang buhay at karera ang pagganap niya sa buhay ng dating pangulong Emilio Aguinaldo.

Maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na karakter si Aguinaldo sa pelikulang "Heneral Luna."

At ngayon, sa inaaabangang pelikula na "Goyo: Ang Batang Heneral" kung saan tampok ang pagganap ni Paulo Avelino, muling bibida si Mon bilang Aguinaldo.

"After ng 'Heneral Luna' lagi kong naririnig, ikaw ba talaga ang pumatay o ang karakter mo ba ang pumatay kay Heneral Luna? Pero 'yung kagandahan doon kahit na tinitignan nila as kontrabida si Presidente Emilio Aguinaldo, after nilang itanong 'yan, sinasabi nila 'puwede bang magpa-picture?' So may consuelo," ani Mon.

"Ang sinasabi ko nga palagi, ang point of view ko kasi sa pagganap ng President Emilio Aguinaldo ay point of view lagi ng artista. Siyempre hindi ko siya puwedeng tingnan na kontrabida sa pelikula o masama," paliwanag ni Mon.

Para sa "Goyo," naniniwala si Mon na maipapakita ng pelikula ang mas malalim na pagkatao ni Aguinaldo.

"Dito sa 'Goyo,' mas ipapakita 'yung human side ni President Emilio Aguinaldo, 'yung pinagdadaanan nila. Nasa sa atin kung maiintindihan natin kung ano ang sitwasyon o kalagayan ni Presidente Emilio Aguinaldo dito sa 'Goyo,'" ani Mon.

Nang matanong naman kung maiiba ang pagtingin ng mga tao tungkol kay Aguinaldo sa pelikulang "Goyo," sagot ni Mon: "Well para sa akin, mas malaki 'yung role niya dito. Mas malaki 'yung ipinakita ng pelikula tungkol kay Emilio Aguinaldo dahil paborito niyang heneral si Goyo. Most of the time magkasama sila mula sa pagiging heneral niya at pagtakas nila, 'yung mga experience nila. Sa palagay ko mas maiintindihan natin ang pagka-presidente ni Emilio Aguinaldo rito," ani Mon.

Ayon naman sa direktor ng "Heneral Luna" at "Goyo" na si Jerrold Tarog, ang karakter ni Aguinaldo ang magtatahi sa istory ng tatlong pelikula tungkol sa rebolusyon, bagay na sinang-ayunan ni Paulo.

"Sabi nga it's an Aguinaldo film. Kasi siya lang 'yung buhay sa tatlo at tungkol sa malaking impluwensiya niya," ani Paulo.

Maliban sa buhay ni Antonio Luna at Gregorio "Goyo" del Pilar, nakatakda rin ang paggawa ng pelikula tungkol sa buhay ni dating pangulong Manuel Luis Quezon.