Janno Gibbs, may bagong konsepto para sa 'Pedro Penduko' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Janno Gibbs, may bagong konsepto para sa 'Pedro Penduko'

Janno Gibbs, may bagong konsepto para sa 'Pedro Penduko'

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Isa si Janno Gibbs sa nagpahayag ng kanyang pananabik para sa napipintong pagbabalik ng iconic Pinoy comics character na si Pedro Penduko.

Bahagi si Janno sa naging tagumpay ng Pedro Penduko noong 1994 nang bumida siya sa pelikulang "Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko."

"I think nag-e-evolve pa siya," ani Janno sa naganap na media conference ng kanyang bagong pelikula na "Sanggano, Sanggago't, Sanggwapo."

"I think nag back-out na si James (Reid) because of injury, so iba na yata 'yung gagawa," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Dahil sa kanyang naiwang tatak sa "Pedro Penduko," hindi rin isinasara ni Janno ang posibilidad na maging bahagi sa planong pagbabalik ng Pinoy comics character.

Ibinunyag din ng aktor ang kanyang tila naudlot na plano sana na bigyang buhay muli si Pedro Penduko na inspirado sa mga ginagawang pelikula sa Hollywood.

Aniya, nais niyang ituloy ang kuwento ng Pedro Penduko na binigyang-buhay niya sa pelikula higit 2 dekada na ang nakakaraan.

"Honestly, puwede pa naman ako gumawa ng [movie] after ng batang Pedro Penduko. Parang si Wolverine, si Logan, bumalik siya ulit na matanda na siya," paliwanag niya.

Ayon pa sa aktor, nai-present na rin niya sa Viva Films ang proyekto, at pinag-aaralan na raw ang kanyang naging proposal.

"Nag-present din ako, in all honesty. Ang director ko doon si Erik Matti. So nag-present kami sa Viva kaya lang, naka-ready na 'yung bagong Pedro Penduko," aniya.

Matapos ang pagbibitiw ni James Reid, wala pang pormal na anunsyo ang Epik Studios at Viva Films kung sino ang napipisil nilang kapalit na gaganap na Pedro Penduko.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.