Ika-82 kaarawan ni Fernando Poe Jr., ginunita | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ika-82 kaarawan ni Fernando Poe Jr., ginunita

ABS-CBN News
Published Aug 20, 2021 11:58 AM PHT

MAYNILA -- Ginugunita ngayong Biyernes, Agosto 20, ang ika-82 kaarawan ni Fernando Poe Jr. o FPJ, ang tinaguriang "Hari ng Pelikulang Pilipino."

Sa Instagram, ipinahatid ng anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe-Llamanzares ang pasasalamat sa mga taong hindi nakakalimutan ang yumaong aktor.

Umaasa rin ang senadora, na patuloy na magiging inspirasyon ang ama.

"Sa pagdiriwang ng ika-82 kaarawan ni Da King, nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayang hindi nakakalimot sa kanya, mula noon hanggang ngayon. Patuloy sana siyang magsilbing inspirasyon na magsikap at maging isang mabuting Pilipino. Happy birthday, papa!" ani Poe-Llamanzares, anak ni FPJ at batikang aktres na si Susan Roces.

ADVERTISEMENT
Pumanaw si FPJ noong 2004 sa edad na 64 dahil sa thrombosis at multiple organ failure.

Bumida sa halos 300 pelikula ang National Artist na si FPJ na umani rin ng napakaraming parangal hindi lang bilang aktor kung hindi bilang isang direktor.

Samantala, nakiisa rin sa paggunita sa espesyal na araw ni FPJ ang ABS-CBN. Nitong Biyernes gamit ang social media ay nagpahatid din ng pagbati para sa kaarawan ni FPJ ang Dreamscape Entertainment, ang produksiyon sa likod ng sikat na serye na "FPJ's Ang Probinsyano" na hango sa pelikula ni FPJ na inilabas noong 1997.