'Game KNB?' magbabalik para sa Season 4 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Game KNB?' magbabalik para sa Season 4

'Game KNB?' magbabalik para sa Season 4

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 20, 2021 03:18 PM PHT

Clipboard

Game KNB?

MAYNILA -- Muling magbabalik ang game show ng mga Pilipino na "GAME KNB?" para sa ika-4 na season nito simula Agosto 23 kasama ang Kapamilya host na si Robi Domingo.

Malalaro nang eksklusibo sa Kumu app at mapapanood din sa Facebook page at YouTube channel ng Jeepney TV ang interactive game show simula Lunes 12 ng tanghali.

Sa “GKNB 4EVER,” maaring manalo ng mula P25,000 hanggang P100,000 sa Pili-Pinas segment tuwing Martes, habang patuloy naman ang pamimigay ng P10,000 sa masusuwerteng manlalaro tuwing Lunes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes.

Nagpapasalamat naman si Domingo sa suporta ng mga manonood sa patok na programa na magdiriwang ng unang anibersaryo nito sa Oktubre. Naghahanda rin ng mga bagong segment na tiyak kagigiliwan ng mga manonood.

Game KNB?

Aabangan ang ‘Flip-Pinas’ guessing game, ang nakakaaliw na ‘Robi, Game KNB? Ramdam-Mizer Elevate!’ challenge para mismo kay Robi, pati na rin ang magaganap na ‘GKNB, Akyatan Na’ kung saan random ang magiging pagpili sa Kumunizen na aakyat at maglalaro.

ADVERTISEMENT

Araw-araw ay puwede ring mapanalunan ang 10,000 kumu coins sa ‘Robi, GKNB? (Team Bahay)’ segment.

Nagbabalik din ang “Game KNB mag-co-host with Robi” campaign na magbibigay pagkakataon sa mga Kumunizens na maging special co-host ni Robi sa programa. Magaganap ang unang campaign period simula Agosto 30 hanggang Setyembre 10.

Ang pangalawang kampanya ay magaganap sa Setyembre 20 hanggang Oktubre 1.

Nagtapos ang Season 3 ng "Game KNB?" kasabay nang pagpapamigay ng P1 milyon sa lucky players nito lamang Hulyo 16.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.