Mura, magsasaka na ngayon sa Bicol, nais bumalik sa showbiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mura, magsasaka na ngayon sa Bicol, nais bumalik sa showbiz

Mura, magsasaka na ngayon sa Bicol, nais bumalik sa showbiz

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Naalala niyo pa ba ang komedyanteng si Mura?

Allan Padua sa totoong buhay, nagsimula ang karera ni Mura na mas nakilala bilang ka-tandem o kakambal ng komedyanteng si Mahal sa programang "Magandang Tanghali Bayan" ng ABS-CBN.

Matatandaang babae pa noon ang unang naging imahen sa publiko ni Mura na mayroon ding kondisyong dwarfism tulad ni Mahal.

Nito lamang nakaraang linggo ay nag-viral ang video na kuha ng isang vlogger na si Virgelyn kung saan pinuntahan niya si Mura at inalam ang kalagayan nito sa Bicol.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Mura, 46, mula sa kanyang kinita sa pagtatrabaho sa showbiz ay nakabili siya ng tatlong hektaryang lupa sa Bicol noong 2005 sa halagang P75,000 na ngayon ay tinataniman niya ng saging, mais, niyog at iba pa.

Pag-amin ni Mura, hindi madali ang pang-araw-araw na buhay niya ngayon lalo't wala siyang trabaho. Pero para sa kanyang ama at pamilya ay tinatiyaga ni Mura ang pagbubukid.

“Mahirap. Kasi katulad sa akin, wala akong trabaho. Siyempre, gusto ko rin makabalik sa pag-aartista. Nagkaroon ng pandemic, hirap na ako makabalik doon, ang hirap ang biyahe-biyahe” ani Mura.

Pag-amin ni Mura, naubos na ang lahat ng kanyang naipon sa pagtatrabaho sa showbiz.

"Naubos ang ipon ko. Naaksidente pa ako noong 2010. Doon nag-umpisa na mawalan ako ng work na seryoso. Nabali ang hip ko. 'Yun nagkaroon na ng deprensiya sa paglalakad. Ngayon mahina na," kuwento ni Mura.

Dagdag pa ni Mura, dahil hirap na siya sa paglalakad, hindi natuloy ang pagsabak sana niya noon sa sikat na serye ng "FPJ's Ang Probinsyano."

"Dapat nung nakaraan isasama ako sa 'Ang Probinsyano.' Sabi ko, hindi ko na kaya. Sinasama ako, buhay pa dati si Tito Eddie Garcia. Isasama ako roon sana. Sabi ko hindi ko na kaya ang mga takbu-takbuhan," ani Mura.

Maliban sa paglabas sa telebisyon ay naging bituin din sa mga pelikula si Mura kung saan ilan dito ay nakasama niya ang aktor at host ng "It's Showtime na si Vhong Navarro.

Ayon kay Mura, kung may pagkakataon ay nais pa rin niyang makapagtrabaho para makatulong sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.