Pangungulit ni Luis Manzano sa inang si Vilma Santos, viral | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pangungulit ni Luis Manzano sa inang si Vilma Santos, viral

ABS-CBN News
Published Aug 09, 2021 11:25 AM PHT
|
Updated Aug 09, 2021 02:38 PM PHT

MAYNILA -- Kinagiliwan ng netizens ang pangungulit ng host na si Luis Manzano sa kanyang inang si Vilma Santos.

Sa isang video na inilabas ni Luis sa Instagram nitong Linggo, kita ang seryosong mukha ni Santos, kongresista sa ika-6 na Distrito ng Batangas, habang pinapakinggan ang magiging agenda nito sakaling tumakbo sa halalan.

"Kung saka-sakali man na tumakabo ako, sabi ko ang priority ko is healthcare," ani Luis sabay tingin sa ina.

"That's true, healthcare," ani Santos sa anak.
"That's true, healthcare," ani Santos sa anak.
ADVERTISEMENT
Nagbago ang reaksiyon ni Santos nang biglang humirit ng kalokohan ang panganay na anak. "Masakit pa lang ang ulo mo naka-wheelchair ka na," ani Luis.

Hindi naman napigilan ni Santos ang matawa at marahang ihampas ang hawak nitong panyo sa anak.

"Bakit nananakit?" pangungulit ni Luis sa ina.

"Sorry, sorry. Sira ulo. Pasensiya na po," ani Santos habang pigil sa pagtawa.

"Aalagaan ko ang kalusugan nila. Masakit ang ngipin mo, cremate na," hirit ulit na biro ni Luis.

"Ang laki ng sira ng ulo mo," ani Santos matapos ang mahinang hampas sa braso ng anak.

Kita rin sa video ang misis ni Luis na si Jessy Mendiola na nakikinig at nakikitawa sa pangungulit ng mister sa ina nito.

Sa ngayon ay may higit 500,000 na ang nakapanood sa video ni Luis.

Nito lamang Mayo sa pamamagitan ng live Facebook stream, inamin ni Luis sa kanyang mga tagahanga na hindi niya isinasara ang sarili sa pagpasok sa politika.

“Wala pa, pero malay natin. Nakikita ko — baka naman na sa horizon ‘yan — ang pagiging isang politiko," ani Luis na ibinalik din ang tanong sa mga nanonood sa kanya.

“Ito ang pinakamagandang tanong — kung sakali ba na tumakbo ako, iboboto niyo ba ako? May tiwala ba kayo sa akin pagdating sa boto ninyo? Iyon ang pinakamagandang katanungan,” ani Luis.

Si Luis ay anak ni Santos sa aktor na si Edu Manzano na dating bise alkalde sa siyudad ng Makati.