Pumanaw na ang tanyag na "kontrabida" na si Zeny Zabala sa edad na 80. Ritrato mula sa kanyang Facebook account
Bumaba na ang telon kay Zeny Zabala, isa sa mga hindi malilimutang kontrabida ng pelikulang Pilipino.
Ayon sa kanyang anak na si Ana Liza Santos, 80 anyos nang pumanaw si ang aktres alas-7 kagabi, Martes, sa National Kidney Transplant Institute sa Quezon City sanhi ng kidney failure at iba pang kumplikasyon.
Isa sa primerang kontrabida ng Sampaguita Pictures si Zabala na pinahirapan ang mga leading ladies tulad nina Gloria Romero, Lolita Rodriguez, Susan Roces at Vilma Santos.
Madalas din siyang lumabas sa mga pelikula ni "Comedy King" Dolphy. Huling napanood si Zabala sa "Be Careful with My Heart" bilang isa sa mga aplikanteng yaya ng mga anak ni Richard Yap.
Nakaburol ang kanyang mga labi sa Paket Funeral Homes sa San Roque, Marikina. Itatakda pa ang iskedyul ng kanyang cremation sa Loyola Memorial Chapels & Crematorium.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.