PatrolPH

Ano ang payo ni Rio Locsin sa kapwa 'Darna' star Jane de Leon?

Josiah Antonio, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2022 11:50 PM

Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment.
Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment.

MAYNILA – Diniin ni Rio Locsin ang naging payo niya kay Jane De Leon bilang bagong "Darna" nitong Lunes. 

Pagbabalik-tanaw ni Locsin, isang malaking pribelehiyo sa kanya nang tanggapin niya ang naturang papel noong 1979 kasama pa si Darna creator Mars Ravelo.

"Napakalaki talagang pribelehiyo na nakasama ko siya (Mars Ravelo) at ‘yung asawa niya … Sobrang laking tuwa sa puso ko na nagawa ko ‘yun," sinabi ni Locsin sa isang press conference. 

"Lagi ko ‘tong sinasabi kay Jane, napakalaki ng karangalan, napakalaking pribelehiyo, mahirap pero lahat hindi tinatawag na Darna, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon."

Sa pagsasama nila sa show, laging payo ni Locsin na handa siya kasama ang kanilang team na tumulong sa kanya sa lahat ng pagkakataon. 

"Nandito naman kami, hindi ka namin pababayaan. Lahat ng suporta, ibibigay namin sa’yo. Sabi ko talaga sa kanya, i-imbibe mo, dalhin mo sa puso mo," aniya. 

"Hindi mo alam kung hanggang kailan mawawala ang bato sa’yo kaya panindigan mo. Buhayin mo sa sarili mo kasi sayang ‘yung binagay na pagkakataon sa’yo."

Minsan nang lumipad bilang Darna si Locsin sa pelikulang "Bira, Darna, Bira" noong 1979 kasama si Romnick Sarmenta bilang Ding.

Sa ngayon, si Locsin ay gaganap bilang Roberta Ferrer-Custodio, isa sa mga kamag-anak ni Narda (De Leon). 

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment, magsisimula ang paglipad ni De Leon bilang Darna sa susunod na Lunes, Agosto 15.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.