MMFF 2019: Vic Sotto, ipinakilala ang bagong leading lady | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMFF 2019: Vic Sotto, ipinakilala ang bagong leading lady

MMFF 2019: Vic Sotto, ipinakilala ang bagong leading lady

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 08, 2019 09:26 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Opisyal nang ipinakilala ng APT Entertainment ang mga bituin na magiging bahagi ng kanilang 2019 Metro Manila Film Festival entry na "Mission Unstapabol:The Don Identity."

Sa pangunguna ni Vic Sotto, inaasahan ang sanib-pwersa ng mga bituin mula sa iba't ibang network na isa sa dapat abangan sa kanilang pelikula.

"Lahat kami mga Kapatid, Kapuso at Kapamilya," ani Vic sa panayam nitong Miyerkoles.

Dito, ipinakilala na rin ni Bossing ang kanyang leading lady na si Pokwang na nasabik sa kanilang muling pagsasama sa pelikula.

ADVERTISEMENT

"Aarte pa ba ako? Vic Sotto yan! Noong nalaman ko nga napasigaw ako e. After nine years, kami ulit," ani Pokwang.

Ayon pa sa Kapamilya star, asahan ang umaapaw na komedya sa kanilang muling pagsasama ni Bossing.

Matatandaan na 2011 pa nang huling magsama sa "Pak! Pak! My Dr. Kwak" sina Pokwang at Vic.

"May lips to lips kami dito. Lalagyan ko siya ng kissmark sa gilagid, malalala 'to malalala," sabi pa ni Pokwang.

Kung tatanungin naman si Vic kung may pangamba ba siya na higitan ang kinita ng kanyang pelikula noong nakaraang taon sa MMFF na "The Puliscredibles", sagot ni Bossing: "Nakagawa na ng sariling record 'yun last year. So kaming team ang iniisip namin, ito ng bago. It has to be different, bago sa panlasa, bago sa paningin.

Bukod kay Vic at Pokwang, bahagi rin ng "Mission Unstapabol: The Don Identity" sina Jake Cuenca, Wally Bayola, Tonton Gutierez at Maine Mendoza.

"Kami ni Maine, first time namin na gaganap na hindi mag-ama. At ang totoo pa niyan, kontra pa ang aming character," ani Vic.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.