Ina ng upcoming ABS-CBN star, ibinahagi ang hirap nila bilang OFW | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ina ng upcoming ABS-CBN star, ibinahagi ang hirap nila bilang OFW

Cory de Jesus | TFC News France
Published Aug 07, 2022 06:31 PM PHT

PARIS - OFW sa France ang ina ng upcoming ABS-CBN star at dating PBB housemate na Ralph Malibunas. Proud mom si Grace Malig sa kanyang anak.

Isa si Ralph sa bida ng “Connected,” na nag-premiere showing noong July 22. Isa itong youth romance movie na nagpapakita ng mga dinaanang pagsubok sa buhay ng mga bida at papaano sila naging konektado sa isa’t isa.

Umaapaw sa kaligayahan si Grace dahil natupad na rin ang matagal na pinapangarap ng kanyang anak na maging artista.

“Masaya kasi matagal na niyang gustong mag- artista eh, 13 (years old) pa lang siya gusto na niyang sumali ng tulad ng PBB,” saad ni Malig.

ADVERTISEMENT
“Napilitan akong dalhin dito si Ralph dahil nakita ko nababarkada siya doon kaya dinala ko siya rito kasama yung bunso kong anak,” kwento ni Malig.

Sa France raw nagpabago ng mundo ni Ralph. Nakita niya ang hirap ng trabaho sa abroad ngunit madali rin syang nakapag -adjust at nagustuhan ang buhay sa Paris.

“Nakapagtrabaho siya rito, nag-babysitter siya, tapos naglinis sya ng Airbnb, tapos minsan sinasama ko siya sa trabaho ko. Nakita niya kung paano yung ginagawa ko, 'yung naglilinis ako ng toilet, natuto siya. Ayun, sabi nya sa akin: “Mama ‘di pala ganun kadali," Akala kasi nila kapag nagpapadala ka ng pera madali mo na kitain 'yung pera,” sabi ni Malig.

Dagdag ni Grace, tama ang kanyang naging pagpapasyang dalhin ang mga anak sa Paris.

“Pinakaimportante sa akin ang nakasama ko siya rito, naalagaan ko lalo na pandemic, kaya gusto ko talagang sama-sama kami,” sabi ni Malig.

Ayon kay Grace kahit nag-e-enjoy na si Ralph sa Paris sa dalawang taon na paninirahan niya sa bansa, hindi pa rin nawala ang kanyang pangarap na maging artista.

Kaya magkahalong gulat at saya ang naramdaman niya nang ibalita sa kanya ni Ralph na natanggap siya sa PBB at nakiusap na payagan siyang makauwi sa Pilipinas.

“Ngayong artista na siya, may movie na siya, parati kong pinoromote kung saan ang ganap nila tulad ng mga mall shows saka sinasabi ko sa mga kaibigan ko rito sa Paris na suportahan din nila si Ralph, panoorin nila ang movie ni Ralph. Paminsan-minsan nagla-livestream din ako, nakakausap ko fans nya,” kwento ni Malig.

May palagi namang payo si Grace sa kanyang anak.

“Sabi ko sa kanya, magpakatotoo lang siya. Tapos ‘wag siya magbabago, tapos lagi siyang magdasal tsaka, ‘wag lalaki ang ulo nya. Ayun ang lagi kong sinasabi sa kanya tuwing mag-uusap kami,” saad ni Malig.

May mensahe naman si Ralph para sa kanyang supporters sa France.

“Gusto ko pong magpasalamat sa mga kababayan ko pong nanonood dIyan po sa Paris at sIyempre sa mama ko po, thank you so much po sa pagsuporta po sa amin ng aking mama. Na-appreciate ko po kayo at siyempre, ako ay saludong-saludo sa mga ginagawa nIyo dyan sa Paris para sa inyong mga pamilya dahil ako po’y isa rin sa nakaranas diyan ng hirap po sa Paris" sabi ni Ralph.

Dagdag pa ni Ralph sa mga kababayan, huwag susuko sa pangarap: “Lumalaban po tayo para sa ating mga pamilya. Ipinagmamalaki ko po kayo dito sa Pilipinas, lalo na po nung sumali ako sa PBB. Iba po talaga ang hirap po dyan kaya, merci beaucoup sa inyong lahat at je t'aime po."
Available pa rin ang “Connected” na pinagbibidahan ni Ralph Sa KTX.PH, Iwant TFC, TFC IPTV Video On Demand at Sky Cable Pay Per View.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT