Gerald, Bea, Julia, trending worldwide | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gerald, Bea, Julia, trending worldwide
Gerald, Bea, Julia, trending worldwide
ABS-CBN News
Published Aug 06, 2019 09:46 PM PHT

Agad pinagpiyestahan sa social media ang kaliwa't kanang mga pahayag kaugnay pa rin ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo kung saan isinasangkot si Julia Barretto.

Kasunod ng pagbasag ni Julia sa kanyang katihimikan Martes ng hapon at paglabas ng eksklusibong panayam ni Gerald sa TV Patrol, pasok agad sa top 10 trending topics sa Twitter worldwide ang mga pangalang "Julia", "Gerald", at "Bea Alonzo."

Pasok din sa top 10 ang hashtag na #TeamBea.

Binaha ang Twitter ng mga Pinoy netizen na kaniya-kaniya ng pagpapalitan ng opinyon kaugnay ng isyu gayundin ang pakikisimpatiya sa kani-kanilang idolo.

Sa panayam, iginiit ni Gerald na walang third party sa hiwalayan nila ni Bea at walang kinalaman doon si Julia.

Sa pamamagitan naman ng post sa kanyang Instagram account, binanatan ni Julia si Bea.

Giit ni Julia, pinalabas ni Bea na biktima ito ng mga pangyayari at itinulak ang lahat para sirain at insultuhin siya.

Samantala, una nang sinabi ni Bea na hindi naging malinaw ang hiwalayan nila ni Gerald at basta na lang umano siya hindi kinausap ng aktor.