PatrolPH

Mag-ex na Carlo Aquino at Angelica Panganiban, mas close na ngayon

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2018 12:10 PM

MAYNILA -- Aminado ang aktor na si Carlo Aquino na mas komportable siya ngayon tuwing magkasama sila ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Kuwento ng aktor sa Push, naging mas close pa daw sila ngayon ni Angelica sa kabila ng kanilang pinagdaanan noon.

 

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

“Wery comfortable kasi ako sa kanya and ganun din siya sa akin and bago naging kami, naging friends kami tapos ayun,” pahayag ni Carlo sa Push.

Ayon pa kay Carlo, naging pundasyon din ng kanilang magandang pagkakaibigan ngayon ang kanilang nakaraan.

 

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

“Siguro dahil nagsimula kami sa friendship tapos naging kami kaya rin siguro ganun kami sa isa’t isa. Kasi nga kumportable kami na alam namin kung ano, Sasabihin niya sa akin kung na-o-offend na siya sa ginagawa ko. Ganun din naman ako sa kanya. And ever since talagang mahal ko naman si Angelica,” paliwanag ng aktor.

Dahil sa mas nakilala na nila ang isa’t isa sa ngayon, naitanong din sa aktor kung posible ba ang second chance sa kanila ng aktres.

“White noise. Kumbaga kung ano 'yung meron kami, kumbaga special siya sa akin, kung ano 'yung sasabihin ng mga ibang tao hindi ko na iisipin,” pahayag pa ng aktor. 

Watch more News on iWantTFC

Sa ngayon abala si Carlo at Angelica sa shoot ng kanilang pelikula na "Exes Baggage" sa direkyon ni Dan Villegas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.