Gerald Anderson, nagsimula nang mag-shoot ng bagong teleserye

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2018 12:06 PM

Excited na nagbigay ng mga detalye ang aktor na si Gerald Anderson sa kanyang ginagawang telerserye.

Kuwento ni Gerald, first shooting day pa lang ramdam na agad ang mga maaksyon na eksena.

“Ang masasabi ko sa first two to three days ko pa lang, alam ko na may gingawa kang maganda. Naramdaman ko 'yan sa first day pa lang,” sabi ni Gerald.

Aniya, double time siya ngayon sa paghahanda para sa telerserye na kasabay ng kanyang training sa Star Magic All-Star basketball at sa Marikina Shoemasters ng MPBL.

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

“Sobrang excited ako doon. Medyo mahirap kasi ang dami nangyayari -- may Star Magic basketball ako, may Marikina league -- I’m excited. May ibang taping din sila na hindi ako kasama dahil medyo madugo 'yung kinukunan nila,” ani Gerald.

Busy man daw sa trabaho at basketball, naisisingit pa rin daw ni Gerald ang oras para sa kanyang inspirasyon na si Bea Alonzo.

“First time kasi namin na manood ng PBA, maganda kasi kakilala din namin 'yung ibang players and nag-invite sila, so ayun masaya naman,” pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ni Gerald para sa inaabangan na Star Magic All-Star Game ngayong Agosto 19, sa Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.