Kuya Jobert, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagbabagong buhay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kuya Jobert, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagbabagong buhay

Kuya Jobert, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagbabagong buhay

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Aminado ang komedyanteng si Jobert Austria o mas kilala sa tawag na Kuya Jobert, na pag-ibig ang kinapitan niya para magbagong buhay noong siya ay malulong sa masamang bisyo.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sa unang pagkakataon ay ipinakilala ni Jobert ang fiancé na si Tiad Guzman na nakilala niya na noong sila ay bata pa.

"Kung hindi kay Tiad, hindi ako magbabago rin. Kasi wala namang dahilan na rin, noong nagkaroon ako ng problema, alam niyo naman 'yon. Kung naranasan niyo 'yon, talagang babaligtad ang mundo niyo. Kasi unang-una kapag gumagamit ka, hindi mo nare-realize 'yung ibang taong nagmamahal sa iyo. Na-realize ko na lang nung nandoon na ako sa rehab na talagang sobrang nasaktan ko siya. Kasi mas masakit sa tao 'yung nasasaktan mo 'yung nagmamahal sa iyo," ani Jobert.

"Pagdating nung umayos na ang utak ko, 'bakit ko nagawa 'yon sa taong nagmamahal sa akin ng sobra?' At saka bumalik siya sa akin. Nung bumalik siya sa akin ang tagal nga, kasi siyempre ang hirap na magtiwala, hindi na siya naniniwala. Sabi ko magbabago na ako. Pero nung nakikita niya na consistent ako sa work at araw-araw tini-text ko siya na 'mahal pa rin kita' at saka 'magbabago ako, hindi ko na uulitin,' hindi na naman naulit,'" dagdag ng komedyante.

ADVERTISEMENT

Pag-amin ni Tiad, muntikan na siyang sumuko sa relasyon nila ni Jobert noong dumaan ang huli sa pagsubok dahil sa bisyo.

"Sinabi ko sa kanya the only time that it will work ay kailangan may professional intervention. So sabi ko kung okay ka na magpa-rehab, that's the only time that we would be able to give the relationship a chance. Pumayag siya. Mahirap kasi nakakaawa. The mere fact na nasa rehab siya, it was hard for me," kuwento ni Tiad.

Sa loob ng walong buwan ay na-rehab si Jobert at paglabas nito ay bumalik sa bansa si Tiad para siya ay alagaan.

Sa "Magandang Buhay," naging bukas din ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang kuwentong pag-ibig.

Ayon kay Jobert, elementarya pa lang sila noong magkakilala sila ni Tiad.

Nagkahiwalay ang landas nina Jobert at Tiad noong high school hanggang sa tuluyan na silang mawalan ng komunikasyon.

Noong 1994 ay nagtungo si Tiad sa Canada, pero muling nagkita ang dalawa noong 2009 at naging opisyal ang relasyon ng dalawa naman noong Enero 2012.

Taong 2015 ay na-engaged sina Jobert at Tiad.

Ayon kay Tiad, nagsimula siyang mahulog kay Jobert nang gawan siya nito ng awiting may pamagat na "Langit Na Rin."

Ang pagiging komedyante ni Jobert ang isa rin sa mga dahilan kung bakit niya ito minahal.

"Masyadong seryoso ang buhay namin doon (sa Canada). Of course with him being in comedy, naa-appreciate ko na there are things that you have to laugh about, hindi ba? So 'yun naging at peace ako sa jokes niya," ani Tiad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.