TINGNAN: Sandara, muling nakasama ang BoybandPH | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Sandara, muling nakasama ang BoybandPH

TINGNAN: Sandara, muling nakasama ang BoybandPH

ABS-CBN News

Clipboard

Muling nakasama ng mga miyembro ng BoyBandPH ang dati nilang hurado na si Sandara Park. Retrato mula sa Instagram ni Park/@daraxxi

Muling nakasama ng mga miyembro ng BoyBandPH si Sandara Park, ang isa sa mga hurado sa programang bumuo sa grupo.

Base sa Instagram post ng Korean celebrity noong Lunes, tila binigyan ng Korean-style makeover ni Park sina Joao Constancia, Niel Murillo, Tristan Ramirez, Russell Reyes at Ford Valencia.

"My babies!!! #BoybandPH for #Mimishop & #DaraTV K-style make up by Dara," isinulat ni Park sa caption.

"Mimi Shop" ang pamagat ng Korean reality show na pinagbibidahan ni Park, kung saan nagbibigay sila ng iba pang Korean celebrity ng makeover sa mga guest, habang "Dara TV" naman ang video blog ni Park.

ADVERTISEMENT

Nasa Pilipinas si Park mula pa noong Sabado para sa ilang aktibidad, kabilang ang isang fan meet noong Linggo kasama si "Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo" star Nam Joo-Hyuk.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Si Park ang isa sa mga hurado ng "Pinoy Boyband Superstar" na umere noong 2016 at bumuo sa BoyBandPH.

Unang nakilala si Park sa Pilipinas noong 2004 nang maging bahagi ng talent search na "Star Circle Quest."

Nag-debut naman siya sa Korea bilang miyembro ng sikat na grupong 2NE1 noong 2009.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.