JC Santos, umamin na fan siya ni Bela Padilla | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

JC Santos, umamin na fan siya ni Bela Padilla

JC Santos, umamin na fan siya ni Bela Padilla

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Isang pangarap na natupad para kay JC Santos na makasama sa isang proyekto si Bela Padilla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, inamin ni JC na tagahanga siya ng aktres.

"Gusto ko siyang makatrabaho kasi fan ako ni Bela. Napanood ko siya sa 'Camp Sawi.' Sabi ko gusto kong makatrabaho ito. So noong binigyan nila ako ng pagkakataon, achieved. So nag-enjoy ako ng sobra talaga," ani JC na leading man na ngayon ng aktres sa pelikulang "100 Tula Para Kay Stella."

"Sobrang wonderful ng taong ito. At saka ang daling katrabaho, sobrang mapagbigay niya, generous at ang bait, bait nito," dagdag ng aktor.

ADVERTISEMENT

Para naman kay Bela, hanga siya sa pagiging propesyonal ni JC at sa galing nito sa pag-arte.

"Sobrang daling katrabaho kasi lagi siyang prepared. Pagdating sa scene, parang alam niya na ang gusyo niya. Ang sarap niyang katrabaho," ani Bela.

"First time namin na magkakilala sa movie na ito. So ang ganda nag-work siya sa material namin," ani Bela.

Hango sa totoong buhay ang "100 Tula Para Kay Stella" na kuwento ni Fidel na gumawa ng 100 tula para ipahayag ang damdamin niya kay Stella.

Ang "100 Tula Para Kay Stella" ay kalahok sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino na ipapalabas simula ngayong Agosto 16.

ADVERTISEMENT

How does BINI see their 'ships'?

How does BINI see their 'ships'?

Anna Cerezo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 20, 2025 01:42 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

BINI shared on Wednesday that they do not see a problem in indulging their Blooms with a bit of fan service for their favorite "ships" as long it is stays within “healthy” boundaries.

For instance, BINI delighted Blooms with endearing interactions between members during their performance of “Kinikilig” at the kickoff of their world tour.

“As long as healthy naman ships nila, wala naman masama pag bigyan. Wag lang lalampas. Minsan kasi may mga nage-expect lang ng more,” BINI Jhoanna said in an interview held during the launch party of the Official Philippine Chart in Taguig, Wednesday.

“We are a girl group after all,” Stacey added.

ADVERTISEMENT

According to the Nation’s Girl Group, they are aware of the ships their fans create and wanted to treat them with special moments.

“Ang ingay [ng blooms],” BINI Colet joked.

“Nakikita naman namin. Aware naman kami na Blooms namin baliw na baliw sa ships,” BINI Jhoanna also said.

BINI was named the Local Artist of the Year by the Official Philippine Chart. They are the first artist to score the title from the newly launched ranking.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.