Husay ng Pinoy designers, tampok sa Mutya ng Pilipinas 2017 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Husay ng Pinoy designers, tampok sa Mutya ng Pilipinas 2017

Husay ng Pinoy designers, tampok sa Mutya ng Pilipinas 2017

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 31, 2017 11:18 PM PHT

Clipboard

Bida ang obra ng Pinoy designers sa showdown ng national costume at evening gowns sa Mutya ng Pilipinas 2017.

Nagpatalbugan ang 30 kandidata ng pageant sa Tagaytay para sa huling preliminary competition bago ang coronation night ngayong weekend.

Inspirasyon sa kompetisyon ang iconic blue gown ni dating Miss Universe Pia Wurtzbach na isa rin sa mga hurado sa okasyon.

Mismong si Albert Andrada na gumawa ng Miss Universe gown ni Wurtzbach ang tumayong chairman ng board of judges.

ADVERTISEMENT

Ani Andrada, hinahanap niya ang kandidatang angat sa pagrampa suot ang gown at ang designer na may orihinal na ideya.

Runaway winner bilang isa sa Best Designer si Jun Candelario para sa gown niya kay Miss Iloilo na inspired ng bidang si Elsa sa pelikulang "Frozen".

Panalo naman sa Best in Long Gown si Sandy Esquilona mula Tarlac para sa kaniyang handmade, embroidered gown na tadtad din ng sequins.

Rumampa rin ang mga kandidata sa kanilang makukulay na regional costumes kung saan nanalo ang kinatawan mula Camarines Sur para sa kaniyang rosary-inspired na kasuotan.

Nauna nang sinabi ni Wurtzbach na kailangang suportahan ng mga kababayan ang lahat ng kandidatang ipadadala sa international competitions.

Pahayag naman ng mga mutya, nakasalalay rin sa designer ang tagumpay ng isang beauty queen.

Sa Agosto 4, Biyernes, idaraos ang coronation night na mapapanood naman sa ABS-CBN sa Linggo, Agosto 6.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.