Rommel Padilla, sumabak na sa pagsasaka | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rommel Padilla, sumabak na sa pagsasaka
Rommel Padilla, sumabak na sa pagsasaka
ABS-CBN News
Published Jul 30, 2020 02:54 PM PHT
|
Updated Jul 30, 2020 08:19 PM PHT

MAYNILA -- Masaya ang aktor na si Rommel Padilla sa kanyang pagpasok sa pagsasaka sa Nueva Ecija.

Sa Instagram, ibinahagi ng ama ni Daniel Padilla ang kanyang suporta sa programang "Balik Probinsya" ng pamahalaan. Nais din ng aktor na palakasin ang ani ng mga magsasaka.

"Tayo na mga kapwa kong magsasaka na nasa siyudad. Samahan po natin ang ating pamahalaan sa kanilang programang 'Balik-Probinsiya.' Maraming kalakip na pangkabuhayan at pabahay ang programang ito. Sama-sama po nating masiguro ang produksyon ng pagkain sa ating minamahal na bayan," ani Rommel sa isa sa kanyang mga post.

Matatandaang noong nakaraang taon ay hindi pinalad na manalo si Rommel nang tumakbo sa pagkakonsehal sa unang distrito ng Nueva Ecija.
Sa kasalukuyan ay parte si Rommel ng Kapamilya serye na "A Soldier's Heart" na napapanood naman sa iWant at Kapamilya Channel.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT