MAYNILA -- Nagpaliwanag ang aktres na si Nadine Lustre sa naging pag-atras niya sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na "Miracle in Cell No. 7."
Si Nadine sana ang gaganap na anak ni Aga Muhlach sa Filipino adaptation ng sikat na Korean movie.
"Pang third movie ko na po kasi this year 'yun if ever, so I really felt that I needed a break," tugon ng aktres sa naging panayam ng ABS-CBN News.
Ayon kay Nadine, dahil sa dalawang magkasunod na pelikula nitong taon humingi siya ng pahinga mula sa VIVA management.
"Kasi medyo na bu-burnout na din po ako kasi naka-dalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po na gumawa ng pelikuka kasi other than shooting, meron pang promotions. So since it's an MMFF Film, parang naisip ko na baka maging masyado ng hectic 'yung schedule, mahihirapan din po ako na, at the end of the day, ayaw ko naman pong parang umayaw, dahil pagod ako at burnout ako," ani Nadine.
Aminado din ang aktres na may panghihinayang siya na hindi na niya magagawa ang proyekto na unang ipinagkatiwala sa kanya ng VIVA Films.
"It's a good project, good material. Kaya lang po kasi sa akin mas importante para sa akin 'yung sarili ko kasi I'm not rushing naman po e, hindi naman po ako nagmamadali. Yes I mean it's a good project but to say na wala nang darating na magandang project in the future... para sa akin, uunahin ko lang 'yung sarili ko and health ko," saad ng aktres.
Aprubado din daw ng VIVA ang kanyang naging hiling break.
"They completely understand, even sa VIVA, when I told them about it na parang gusto ko po magpahinga. Kasi sobrang exhausting naman po ng dalawang magkasunod na movies and promo pa, and naiintindihan naman nila. And they understand kung gaano naging ka-hectic ang schedule ko for the past few months. Ever since nag-start 'yung year sunod-sunod na po ako, so they felt that I needed a break din po," aniya pa.
Masaya din daw si Nadine na si Bela Padilla ang pumalit sa kanya sa MMFF entry.
"I'm really happy kasi Bela [Padilla] is a good actress, she's also a good writer and she takes what she does seriously and she loves it and it shows naman po. Okay naman po I'm happy that it's Bela," pahayag ng aktres.
Sa ngayon, plano muna ipagpatuloy ni Nadine ang pagsusulat ng awitin para sa kanyang binubuong album.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Nadine Lustre, MMFF, Tagalog news, Miracle in Cell No. 7, TV Patrol, MJ Felipe, TV Patrol Top