MMFF 2019: Nadine Lustre, papalitan ni Bela Padilla sa 'Miracle in Cell No. 7'

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 06:39 PM


MAYNILA -- Kumpirmado na ang biglang pag-atras ni Nadine Lustre sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na "Miracle in Cell No. 7".

Ito ang pelikulang pagsasamahan sana ng aktres kasama si Aga Muhlach na handog ng Viva Films ngayong darating na Kapaskuhan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by VIVA ARTISTS AGENCY (@vivaartistsagency) on

Sa ipinadalang mensahe ng opisyal ng MMFF na si Noel Ferrer sa ABS-CBN News, sinabi nitong nag-request ang Viva Films sa komite ng MMFF para sa pagbabago sa kanilang pelikula.

"Miss [Nadine] Lustre has begged off the project due to medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film," bahagi ng liham na ipinadala ni Vincent Del Rosario ng Viva sa opisyal ng MMFF.

Ayon pa kay Ferrer, aprubado na nila nitong Huwebes, Hulyo 25, ang hiling ng Viva Films na ipalit si Bela Padilla para sa kanilang pelikula.

"We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film's artistry and commercial success," pahayag pa ng MMFF.

Sa ngayon, inaabangan na rin ang apat pang pelikula na kukumpleto sa Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.