PANOORIN: Zephanie Dimaranan, nagbalik sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 03:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Matapos itanghal bilang unang kampeon ng "Idol Philippines" Linggo ng gabi, muling nagbalik sa "It's Showtime" si Zephanie Dimaranan nitong Lunes.

Espesyal ang pagbabalik na ito para kay Zephanie na minsa'y naging contestant sa "Tawag Ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Watch more in iWant or TFC.tv

Kaya naman may paalaala si Zephanie sa mga kagaya niyang hindi sumusuko na abutin ang kanilang mga pangarap.

"Sa lahat po ng mga katulad ko na gustong gusto nila maabot 'yung dream nila, just keep on trying. Kasi 'yung pagsuko hindi 'yun 'yung magandang solution," aniya.

Ibinahagi din ng unang "Idol Philippines" winner ang kanyang pinaniniwalang kasabihan na naging gabay niya sa kanyang matamis na tagumpay ngayon.

"Naniniwala po ako sa saying na 'It's not about how many times 'you fall, but it's how many times you rise up,'" ani Zephanie.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.