Ciara Sotto, ibinahagi ang lambingan nina Helen Gamboa at Tito Sotto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ciara Sotto, ibinahagi ang lambingan nina Helen Gamboa at Tito Sotto

ABS-CBN News
Published Jul 26, 2021 11:35 AM PHT

MAYNILA -- #Goals at #MayForever.
MAYNILA -- #Goals at #MayForever.
Ganito inilarawan ni Ciara Sotto ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang na sina Senador Tito Sotto at Helen Gamboa.

Sa Instagram post nitong Hulyo 23, isang video ang ibinahagi ni Ciara kung saan kita ang nakakaantig na lambingan ng kanyang mga magulang.

Sa video, hindi napigil ni Gamboa ang maiyak habang pinapakinggan ang awitin ni Ciara na ang "Ang Tanging Tunay Kong Pag-Ibig," na isinulat mismo ng senador para sa asawa.

"Spreading sweetness and love with all of you tonight …Daddy reminded Mommy of the song he wrote for her, so he played it and she got so emotional… both of them did. There’s no other love like theirs," ani Ciara sa caption.

Sa Setyembre, ipagdiriwang nina Sotto at Gamboa ang kanilang ika-52 anibersaryo bilang mag-asawa.

Mag-renew sila ng wedding vows sa Saint Thomas Aquinas Parish sa Batangas noong 2019. Sa nasabing simbahan din sila ikinasal matapos nilang magtanan noon.

"Tinutupad ko pa lang 'yung pangako ko 50 years ago na mamahalin ko siya habang-buhay," ani Sotto sa panayam noon sa DZMM.