'Hindi niyo kami mapapatahimik': Maja may matapang na pahayag sa ABS-CBN shutdown

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2020 05:19 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

MAYNILA — Nanindigan ang aktres na si Maja Salvador na hindi tatahimik ang mga empleyado at supporters ng pinasarang ABS-CBN.

"Hindi niyo kami mapapatahimik! Hindi niyo kami mapapatumba," ani Salvador sa isang tweet Sabado ng gabi, kasabay ng malawakang pagkilos upang ipanawagan ang pagbabalik sa ere ng Kapamilya network.

"Lalaban at lalaban kami dahil matibay kami! Just like gold, ABS-CBN is indestructible," dagdag niya.

Pinuri ng mga netizen si Salvador dahil sa pahayag at nag-trend pa sa Twitter ang "Lily Cruz," ang karakter niya sa hit seryeng "Wildflower."

Nag-post din sa Instagram si Salvador ng retrato niya sa loob ng ABS-CBN compound.

"Laban Kapamilya! patuloy tayong lumaban upang tayo ay madinig! Upang makabalik na muli ang ABSCBN on-air!" sabi niya sa caption.

Hulyo 10 nang patayin ng komite sa Kamara ang franchise application ng ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.