Alex Gonzaga, may alok na retoke sa Korea

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 12:29 PM | Updated as of Jul 16 2019 05:31 PM

MAYNILA -- Idinaan na lang sa biro ni Alex Gonzaga ang kanyang naging reaksyon sa isang alok na retoke ng isang cosmetic group sa South Korea.

"Collaboration Enquiry: Breast Implant. Dear Alex, I am a medical plastic surgery agent from Korea. We're really loving your personality and enjoy following your journey on Instagram, Facebook, and YouTube. We are interested to collaborate with you for a new project we are working on," bahagi ng email sa Instagram Story ni Alex.

Para kay Alex, hindi niya inakala na makaka-abot sa South Korea ang kanyang dibdibang problema.

"Nakaka-hurt!!?" pabirong reaksyon niya sa post. "Why would you think I need one!! Hanggang sa Korea nakarating to!?"

Isa ang South Korea sa mga dinarayong bansa sa Asya para sa cosmetic surgery.

Sa ngayon, isa si Alex sa mga kilalang YouTube star sa Pilipinas kung saan mayroon siyang 3 milyon na subscriber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.